|
Post by delta on Mar 7, 2007 16:31:30 GMT 10
Sana may sumagot.
|
|
|
Post by Illegally Blonde on Mar 7, 2007 17:55:35 GMT 10
Meron naman... Nag-uunahan sa beach ang mga tao....
|
|
|
Post by tessm on Mar 7, 2007 18:01:57 GMT 10
sobrang init sa pinas... summer....
|
|
|
Post by tessm on Mar 7, 2007 18:02:57 GMT 10
ayos sa mga sagot ah!.... sinundan ko lang sagot nila mike at ms. IB... hehe
|
|
|
Post by tinkerbelle on Mar 7, 2007 23:23:06 GMT 10
mahal na araw....
time para sa deep spiritual reflection....para sa mga Catholics...although I can't see the reason bakit hindi maaring gawin ang bagay na alalahanin yung sacrifice ni Christ...during simple days....
kung magagawa nating irecall yung significance non everyday....mas ok diba...?
Christ deserve not only once in a year recognition for what He did...we must remember it...every moment of our lives...
|
|
|
Post by delta on Mar 8, 2007 13:53:26 GMT 10
ayos sa mga sagot ah!.... sinundan ko lang sagot nila mike at ms. IB... hehe
ayos nga mga sagot...
|
|
|
Post by delta on Mar 8, 2007 13:59:16 GMT 10
dagdagan ng todo paghahanda sa pag akyat sa baguio para mag horse riding
|
|
|
Post by delta on Mar 14, 2007 16:49:29 GMT 10
ano nang balita sa mahal na araw?
|
|
|
Post by tessm on Mar 14, 2007 17:02:18 GMT 10
baguio? hmmm...
at bibili ng maraming pasalubong like lengua (green top para masarap), strawberry jam at syempre... strawberry wine na request ng friend ko
last na hirit na 'to...
|
|
|
Post by tessm on Mar 14, 2007 17:07:16 GMT 10
Mahal na Araw
- This is the only season na more of holiness ang mga activities. Talaga naman po makikita mong nagpapaka-holy ang marami in many different ways. Kung ano reason nila... un kasi ang belief nila eh...
|
|
migy
Moderator
moderator in his designated rooms
Posts: 2,544
|
Post by migy on Mar 14, 2007 22:36:45 GMT 10
Bakit kaya sinabing mahal ang araw? Ano ngang masasabi ninyo, kaw Linds, parekoy Always, supremo, leanne, ruth, sarah, at lahat lahat na.
|
|
|
Post by delta on Mar 27, 2007 19:24:49 GMT 10
siguro napa mahal ang araw kc sa pamasahe at mga baon na dadalhin.
|
|
|
Post by sarah on Mar 28, 2007 17:27:40 GMT 10
MAHAL NA ARAW
Isa sa makukulay na selebrasyon na ginagawa at ginugunita ang Mahal na Araw o "Semana Santa". Ito rin ang may pinakamahabang panahon ng pagdiriwang sa kapistahang kinagisnan natin buhat sa mga ritwal na pang simbahan na sinimulan ng mga misyonerong kastila sa ating bayan. Ang Mahal na Araw ay nagsisimula sa pagsapit ng Miyerkules de Ceniza o Miyerkules ng Abo at nagwawakas matapos ang apatnapung araw sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.
MIYERKULES DE CENIZA
Maraming tao ang nagtutungo sa simbahan upang magsimba katulad ng karaniwang araw ng Linggo. Pagkatapos ng misa ang lahat ng nasa simbahan ay pumipila patungo sa altar upang mapahiran ng pari sa kanilang noo ng abo na buhat sa sinunog na palaspas noong nakaraang taon. Sa araw na ito nagsisimula ang Mahal na Araw o Lenten Season. Ipapangilin na ang mga araw ng Biyernes bilang araw ng pag-aayuno at abstinensiya hanggang Sabado Santo. Ito na rin ang simula ng pagbasa ng pasyon o patalang buhay ni Hesukristo na binibigkas ng paawit.
PASKO NG PAGKABUHAY
Ang Linggo pagkatapos ang santo-santo ay ipinagdiriwang bilang Pasko ng Pagkabuhay. Ang malungkot na araw ng kamatayan ni Hesukristo hanggang Sabado Santo ay isa sa araw na pinagluluksa ng mga kristiyano. Ito ay sinusundan naman ng isang napakasayang araw ng muling pagkabuhay o Easter Sunday. May misa sa ika-12:00 ng hatinggabi kung saan ginagawa ang pagbibindita ng apoy at tubig. Isang tampok na kasayahan pagkatapos ng isang prusisyon na nagpapakita ng pagsasalubong ng mga imahen nina Birheng Maria at ng Hesukristo na naghuhudyat sa lahat ng MULING PAGKABUHAY.
|
|
|
Post by tessm on Mar 28, 2007 19:17:01 GMT 10
ayan na... serious na ang answer... next pls.
|
|