|
Post by linsi on Apr 12, 2006 1:40:58 GMT 10
tawa talaga meh habang binabasa ko toh
AYOKONG MANOOD NG SINE Ni Alexander J. Socorro
Ayokong manood ng sine kaya napag-iwanan na ako ng kalakaran sa local showbiz. Sa totoo lang, mabibilang ang pelikulang napanood ko sa iilang sinehan na napasok ko magmula noong araw na double-program pa ang mga sinehan kapag hindi ito first-run theater. Ngunit hindi ako natatakot sa kadiliman ng sinehan at wala rin akong pangamba kung magkasunog man. At lalong hindi ako takot sa mga bading na nanghahala sa kadiliman. May mas malalim na dahilan kung bakit ayokong manood ng sine
|
|
|
Post by linsi on Apr 12, 2006 1:45:29 GMT 10
|
|
|
Post by theservant on Apr 12, 2006 17:26:20 GMT 10
naranasan ko rin manuod ng sine diyan, puro surot nga kakainis.
|
|
|
Post by violet on Apr 13, 2006 18:09:18 GMT 10
naranasan ko rin manuod ng sine diyan, puro surot nga kakainis.
ha?? anong sinehan yun at saan yun sa maynila? pede po bang malaman kung anong pelikula pinanood nyo?
ay carriedo pala that means avenida?
|
|
|
Post by theservant on Apr 13, 2006 18:23:33 GMT 10
eksato violet, dun nga yun!
|
|
|
Post by violet on Apr 13, 2006 18:27:37 GMT 10
eksato violet, dun nga yun!
teka teka, nag aano kaya si ts (the servant) sa avenida? ito kaya yung panahon ng please don't ask him? nyaha
|
|
|
Post by theservant on Apr 13, 2006 18:35:55 GMT 10
sarap kasi ng dalawang shop para matulog ako, minsan na rin akong nadukutan diyan sa University Belt naman, nung nag aaral pa ako, uhaaaa eksato violet, dun nga yun!
teka teka, nag aano kaya si ts (the servant) sa avenida? ito kaya yung panahon ng please don't ask him? nyaha
|
|
|
Post by linsi on Apr 15, 2006 19:03:39 GMT 10
ay mga karanasan ni ts, pero sa totoo lang di ko matandaan ang rainbow theatre, ang natatandaan ko ay odeon nga..
tuloy nga natin yung article
|
|
|
Post by linsi on Apr 15, 2006 19:05:10 GMT 10
AYOKONG MANOOD NG SINE Ni Alexander J. Socorro
Riverside Theater ang sumunod kong pinasok na sinehan. Matapos magbayad ng 20 sentimos ay diretso ako sa orchestra para panoorin ang Ito Ang Lalake. Feel na feel ko ang palabas dahil habang gumagalaw ang tren na tinutuntungan ni Jess Lapid ay gumegewang naman ang kinauupuan kong mahabang bangko na yari sa kawayan.
Lalo pang naging makatotohanan nang pumailanlang ang usok sa gilid ng tren na yun pala ay nanggagaling sa mga katabi kong nagsisigarilyo.
Sa pagpalit ng palabas sa ka-double na pelikulang English ay biglang nagdilim ang telon at umalingawngaw ang sigawang “Soli bente! Soli bayad!” Habang hinihintay ang pagbabalik ng palabas ay tinawag ko ang naglalakong tindero at nagpasasa na lang ako sa ice drop na may kumpol na munggo sa dulo.
|
|
|
Post by linsi on Apr 15, 2006 19:07:07 GMT 10
AYOKONG MANOOD NG SINE Ni Alexander J. Socorro Pansamantalang inupahan ng lola ko ang Vida Theater kaya muli akong nakapasok ng libre at muli ay sa balcony nakaupo. Technicolor na ang pelikulang Tagalog kaya mas maganda ang haplos sa mga mata ko. Bakbakan ang palabas at si Fernando Poe, Jr. ang bida ngunit hindi ko na matandaan ang pamagat o ang istorya dahil ang nanikit sa aking alaala ay ang masarap na turon na may langka sa loob na niluluto mismo sa gilid ng balcony. Hindi ko na babanggitin ang mapanghing alingasaw na nagmumula sa CR.
hmm vida theatre???
|
|
migy
Moderator
moderator in his designated rooms
Posts: 2,544
|
Post by migy on Apr 15, 2006 19:23:57 GMT 10
|
|
|
Post by linsi on Apr 19, 2006 1:18:50 GMT 10
|
|
|
Post by hottyfecehh on Apr 19, 2006 1:22:30 GMT 10
sarap kasi ng dalawang shop para matulog ako, minsan na rin akong nadukutan diyan sa University Belt naman, nung nag aaral pa ako, uhaaaa
teka teka, nag aano kaya si ts (the servant) sa avenida? ito kaya yung panahon ng please don't ask him? nyaha nyahaha! katuwa tong si the servant oo!
|
|
|
Post by linsi on Sept 17, 2006 17:35:12 GMT 10
AYOKONG MANOOD NG SINE Ni Alexander J. Socorro Pansamantalang inupahan ng lola ko ang Vida Theater kaya muli akong nakapasok ng libre at muli ay sa balcony nakaupo. Technicolor na ang pelikulang Tagalog kaya mas maganda ang haplos sa mga mata ko. Bakbakan ang palabas at si Fernando Poe, Jr. ang bida ngunit hindi ko na matandaan ang pamagat o ang istorya dahil ang nanikit sa aking alaala ay ang masarap na turon na may langka sa loob na niluluto mismo sa gilid ng balcony. Hindi ko na babanggitin ang mapanghing alingasaw na nagmumula sa CR.
hmm vida theatre???
maituloy na nga to Binatang taring na ako nang magyaya ang isang kabarkada sa Empire Theater. Nagitla ako nang tumambad sa aking mata ang mukha ni Nora Aunor at Manny De Leon. Wala sa aking hinagap na ang palabas na pinasok namin ay You Are Always In My Heart. Masakit man sa kalooban ay hindi ko maitanggi na minsan ay naging bahagi ako ng bakya crowd. Ang una kong nobya ang nagsama sa akin sa Magallanes Theater, isang sosyal na sinehan. Foursome kami ng best friend niyang model na ang boyfriend naman ay isang Fil-American. Malaki ang screen ng Magallanes kaya pagpasok pa lang ay kitang-kita ko na ang pagbulaga ng parang malaking anyo ng puwit. Maya-maya ay naghiwalay ang magkabilang pisngi na yun pala ay ulo ni Pugo at ni Tito Varela. Parang na-renew ang membership ko sa bakya crowd dahil si Nora Aunor na naman ang bida. Kaming Matatapang ang Apog, ang titulo na nagpatapang sa apog ko.
|
|
|
Post by linsi on Sept 17, 2006 17:36:00 GMT 10
Bagong kasal ako nang buksan ang bagong Raymond Theater. Hindi ko na maalala ang titulo ng pelikulang pinanood ko na si Dina Bonnevie ang bida. Ang hindi ko makalimutan ay ang 2 poste ng gusali na nakaharang sa mismong gitna ng screen. Kaya kahit chikahan at puro pa-cute ang palabas ay maaksyon ang ulo ng mga nanonood sa walang tigil na paggalaw para makita ang screen sa kabilang panig ng poste. Pero in fairness, malakas ang airconditioner nila dahil siguro napakababa ng kisame itutuloy
|
|
|
Post by delta on Aug 16, 2007 3:37:36 GMT 10
Mukhang natagalan na ang itutuloy nito, asan na po ang karugtong?
|
|
|
Post by rowtide on Sept 5, 2007 12:30:20 GMT 10
|
|
|
Post by hazel on Jul 23, 2010 21:45:15 GMT 10
naranasan ko rin manuod ng sine diyan, puro surot nga kakainis. ;)
ha?? anong sinehan yun at saan yun sa maynila? pede po bang malaman kung anong pelikula pinanood nyo? :-*
ay carriedo pala that means avenida? :-X
:-* :o
|
|
|
Post by linsi on Aug 31, 2010 22:56:03 GMT 10
sensya na mga ka p7 hindi ko na alam ang kadugtong nyan hanapin ko ulet article hehe
|
|