|
Post by lolomael on Jul 3, 2012 14:22:05 GMT 10
Ang bilis talaga ng panahon... naka-5 years mahigit na pala kami dito sa Canada... Mula sa pagiging bagong salta dito sa Vancouver, Briitish Columbia, ngayon ay sanay na mamuhay kasama ng aking mga mahal sa buhay, kumpleto na sana ang kasiyahan ko kung nakasama namin ang naiwan naming anak na panganay dyan sa Pinas, pero hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag-asa at magkakasama rin kami dito pagdating ng tamang panahon o kaya ay kapag nakuha na naming ang aming Citizenship ay saka ko aayusin ang mga papeles nya. Maraming pagbabago ang naganap sa aking buhay, dito ako natuto kung ano talaga ang ibig sabihin ng “trabaho”, bagama’t sa unang dalawang taon ko dito ay papalit palit ako ng employer dahil nga sa nahirapan ako mag-adjust. Sabi nga ng mga anak at ng asawa ko ay over experience na raw ako sa trabaho dito dahil maraming klaseng trabaho na ako napasukan, sa loob ng dalawang taon ay naka 8 trabaho ako at ang trabaho ko sa Airport lamang ako nakatagal ng halos 3 taon. Dito rin ako naging ganap na LOLO at nabiyayaan ako ng isang apo na lalake. Kahit sa panaginip ay hindi ko inaakala na makakapunta ako dito, yun nga lang noong June 15, 2007 kami dumating dito ay namatay naman ang Nanay ko noong July 9, 2007, ang tanging sama lang loob ko ay hinde ko man lamang naisakatuparan ang pangarap ko na maisama siya dito sa Canada. Tanggap ko naman ang pagkawala ng Nanay ko dahil noong nahandyan pa kami sa Pinas bago kami umalis ay nagkausap kami at nagkaroon ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya kung gaano namin siya kamahal at tuloy nagpasalamat sa pag-aaruga sa aming magkakapatid, maging sa kanyang mga apo. Marami pa ko maikukukwento pero itutuloy ko na lamang sa susunod na kabanata dahil alam ko masakit na ang mata nyo sa pagbasa nito…
|
|
|
Post by leanne. on Jul 4, 2012 0:16:36 GMT 10
waaaaaaaaaa bitin ....
|
|
|
Post by lolomael on Jul 5, 2012 12:16:28 GMT 10
karugtong...
Noong nasa Pinas ako basta may panlagay ka para makakuha ng Driver's License ay pwede ka magkaroon nito, kukuha ka ng written exam pero nasa harap mo na yung mga sagot at ang road test naman ay atras abante lang ng sasakyan ay pasado na while dito mula ng mag-apply ako ng driver's license ay doon sa computer nila "online practice knowledge test", hanggang "road test driving". halos sampung beses yata ako bumagsak sa road test dito at mabuti na lang sa katitiyaga ay naipasa ko rin. Sa unang sabak ko na ako lammang mag-isa ang nagmamaneho ay medyo nahirapan ako kahit nakapasa na ako sa road test, umiiral pa rin yung pagiging Pinoy driver (alam nyo na kung ano ang ibig ko sabihin he he he) Ibang iba talaga dito kaya totoo yung kasabihan na "Bakit ang Pinoy marunong sumunod o may disiplina sa ibang bansa pero pagdating dyan sa atin ay kabaligtaran".
Last January this year ay natanggap na namin ang notice for citizenship exam. dumugo ang utak ko sa kare-review bago mag-exam, pag-aralan ba naman ang history ng Canada. Then noong ready na kami to take the exam. Sa screening ay bigla ako sinabihan ng officer na pumunta ako sa kabilang kuwarto at tinanong ko kung bakit dahil alam ko kung saan kami kukuha ng exam at sinabi sa akin na exempted na raw ako sa exam at for interview na lang. Laking gulat ko ng malaman ko na from 18 to 54 years old lang ang pwede kumuha ng exam at bigla ko naisip na "it pays to be 55 years old" kaya heto exempted at nag-aabang kami ng notice for OATH TAKING para maging ganap na Canadian.
Pinoy pa rin naman ako sa puso't diwa kahit na ba nagpalit o magpapalit ako ng aking citizen status... alam ko sa ibang mga naririto sa Canada at maging dyan sa USA na nagpalit na ng status ay mahal pa rin naman natin ang ating Inang Bayan, pero may mga ilang kababayan natin na halos gayahin na lahat ang mga kustumbre ng mga puti, kinakausap mo na ng tagalog ay sasabihin sa iyo “wat is that? I dunt nu wat yu arrr tuking abawt” gayong alam ko naman ang accent nya na galing sa atin. Nakakalungkot nga lang isipin na totoo pala yung sinasabi ng ibang kababayan natin noong bago pa ako sa trabaho dito ay “ang pakaingatan mo dito ay kapwa natin pinoy na may masamang ugali sila ang sisira sa iyo sa trabaho kapag nakita nilang magaling ka o threat ka sa kanilang trabaho tiyak sisiraan ka sa management kaya huwag ka masyado maging nice guy sa kanila o magtiwala which is nangyari nga sa akin dito sa huling trabaho ko sa airport, dahil sa ayoko ng away at sistema ng iba nating kalahi ay nag-quit na lang ako kahit na ba halos 3 taon na ako doon dahil feeling ko hinde na ako masaya magtrabaho doon dahil nagkakaroon na ng faction o iba ibang grupo. Minsan naman may pinay na namimili at kasama ang matandang asawa na puti at nagtatanong kung mayroon daw ba kami ear-ring na gold na more than 14 karat dahil allergic daw ang tenga nya sa mababa sa 14 karat, itinuro ko doon sa isang tindahan namin na walking distance lang naman ang layo pero ang sabi sa akin “Ay ang layo!”. Natawa na lang ako sa sarili ko at alam ko nagyayabang lang siya sa akin dahil may asawang puti, marami na rin ako nakikitang mga ganyan na asawa ng mga puti hinde makabati at suplada…
Sa susunod na lang ulet at baka mainis lang kayo sa wento ko na walang wenta… hi hi hi...
|
|
|
Post by leanne. on Jul 6, 2012 1:04:58 GMT 10
sige, may kwento din ako pero baka bukas na papasok pa ako
|
|
|
Post by linsi on Jul 7, 2012 9:11:53 GMT 10
about driving- mas mahirap nga ang requirements dito sa abroad kaysa sa atin ng driving- basta may kakilala a tmaganda ang usapan at pwede kang magpatakbo ng sasakyan ay pwede na-nga, sayang, ang gagaling pa naman ng mga drivers natin kung kumpara lang sa iba iba- and about mga kabayans haaay kuya mhel ganyan din dito pag mga pinay na nakapangasawa ng puti or mayayamang inchek- pak* mahihilo ako sa mga presentations nila sa buhay nila-- sa discovery bay everytime makakakita ako ng pinay na may asawang puti ay suskoh!--talagang showtime -- sa isip isip ko lang nagsuot pa ng blouse wehehehe--ay ano ba yan--bakit nga kaya ganyan sila ano? haaaayyyyyy pag dating naman sa citizenship haaay grabeh dito 7 years ang aming binuno bago kami nakakuha ng permanent right of abode- as in grabeh-- hehe...at to be continued rin---
|
|
|
Post by lolomael on Jul 8, 2012 16:43:03 GMT 10
Karugtong (ulet)...
Sa ngayon after na mag-quit ako sa trabaho ko sa airport ay nakapasok naman ako sa isang gift shop sa isang tourist spot dito sa Vancouver, napakaganda ng lugar kasi isang napakalaking park ito at madalas ko makita ang mga wood pecker, squirrel, racoon at marami pa'ng ibang klaseng hayop at puno. Ok na sana ako dito pero nag-quit ako kasi hinde ko makasundo ang supervisor ko na hinde yata alam ang trabaho as supervisor. Ewan ko ba, hinde ko naman masasabi na may problema ako sa trabaho kundi kapag feeling ko hinde na ako masaya sa ginagawa ko ay umaalis na lang ako kahit na sabihin na natin na matagal na ako sa kumpanya. I don't count kung how many years ako kundi kung masaya ba ako sa ginagawa ko'ng trabaho, well sabihin ko sensitive ako na kapag alam ko na tama ako kahit Manager ka pa basta masabi ko lang kung ano ang nasa kalooban ko... hopefully this coming week ay magkaroon na ulet ako ng trabaho, like I said before mahirap dito mamuhay kung walang trabaho.
Ang mga nagustuhan ko dito sa Canada ay ang 4 seasons, lalo na kapag Fall and Winter season, ang tubig na galing sa gripo na napakalinis at malamig palagi, ang peace and order, ang cleanliness ng kapaligiran na talaga naman dito ako natuto mag-hiwalay o magbukod ng basura, recycle at compost unlike noong nasa Pinas ako balot lang sa plastik at umupa ng mga batang magtatapon ng basura. Kung ano ang kinakain ng mga mayayaman dito ay siya din naman nakakain namin, halimbawa LOBSTER, ANGUS BEEF Steak, pwede ba tayo kumain nyan kung nasa middle class ka or mas mababa pa'ng antas ng buhay natin? Di ba mga mayayaman lang ang nakakakain ng mga iyon sa atin? Bagama't mataas ang rate ng tax dito pero nakikita naman kung saan napupunta at kung papaano nila ginagasta ang pera ng tax payers.
itutuloy...
|
|
|
Post by linsi on Jul 12, 2012 21:24:58 GMT 10
quote ko lang si kuya mhel dahil parang ganyan na rin ako ngayon wehehe sabi nya--
----Sa ngayon after na mag-quit ako sa trabaho ko sa airport ay nakapasok naman ako sa isang gift shop sa isang tourist spot dito sa Vancouver, napakaganda ng lugar kasi isang napakalaking park ito at madalas ko makita ang mga wood pecker, squirrel, racoon at marami pa'ng ibang klaseng hayop at puno. Ok na sana ako dito pero nag-quit ako kasi hinde ko makasundo ang supervisor ko na hinde yata alam ang trabaho as supervisor. Ewan ko ba, hinde ko naman masasabi na may problema ako sa trabaho kundi kapag feeling ko hinde na ako masaya sa ginagawa ko ay umaalis na lang ako kahit na sabihin na natin na matagal na ako sa kumpanya. I don't count kung how many years ako kundi kung masaya ba ako sa ginagawa ko'ng trabaho, well sabihin ko sensitive ako na kapag alam ko na tama ako kahit Manager ka pa basta masabi ko lang kung ano ang nasa kalooban ko... hopefully this coming week ay magkaroon na ulet ako ng trabaho, like I said before mahirap dito mamuhay kung walang trabaho.
mukhang ganyan na rin ako ngayon hehe, actually after makuha ko yung permanent right of abode ko nag adjust na rin ako at buti na lang pwede kong sabihin sa boss kong ayoko naaaaaaaaaaaaa i quit-- dun sa salad bar na part time ko naasar ako- buti nga tinapos ko yung lunch serving namin- after that sabay alis ng uniporme--at sinabi ko sa puti kong boss-- i quit-- huh!!!?? ba naman understaff sila at part time lang inaplayan ko sabakan ba namang ibigay sa akin lahat at extended pa ako after dinner service- mag travel daw ako pauwi kahit 12 madaling araw - abah! bakit hindi sila kumuha ng staff na magta tyaga sa kanila wala siyang nagawa- quit talaga akuu!
|
|
|
Post by linsi on Jul 12, 2012 21:27:00 GMT 10
to be continued---
|
|
|
Post by rowtide on Jul 12, 2012 21:34:00 GMT 10
Good to see you all
|
|
migy
Moderator
moderator in his designated rooms
Posts: 2,544
|
Post by migy on Jul 15, 2012 18:06:46 GMT 10
parang di ako sanay mag kwento eh, pero try ko __ pero kayo muna... Read mode muna ako!
|
|