|
Post by leanne. on Dec 22, 2007 16:25:41 GMT 10
Dapat pag Kristyano alam kung sino ang igagalang. Marami kse sa atin pag palpak na ang Pastor nilalayasan.
|
|
|
Post by lolomael on Jan 20, 2008 13:59:46 GMT 10
Dapat pag Kristyano alam kung sino ang igagalang. Marami kse sa atin pag palpak na ang Pastor nilalayasan. That's true Leanne, maraming ganyan klase kapag palpak ang pari or pastor ay naglalayasan sa oras ng mass or worship. May mga tao naman na naghahanap ng dahilan para lamang makalipat sa ibang religion pero actually iisa lang naman ang religion at iyon ay si Kristo Hesus. Marami ang nagsasabi na malaki ang naging pagkukulang ng kanilang relihiyon kaya nagpalit pero sa totoo lang kung magninilay lamang tayo maigi ay napakarami pa nating pagkukulang kung saan man sekta tayo nabibilang. Nagkakaroon ng comparison na magaling ang Kristo ko o magaling ang Kristo nila w/c is iisa lamang ang Diyos sa 3 persona at hindi naman dapat pag-awayan. Tulad ko na isang Katoliko, marami ang nagsasabi na sinasamba daw namin ang Mahal Na Ina pero sa totoo lang we just pay our respect to her for being the Mother of Jesus, may mga kasamahan naman kasi ako na sobra na or lumampas sa kanilang paniniwala like yung pagpunas punas sa Imahen w/c is admitted naman ako na idolatry iyon pero huwag naman sana lahatin kami na sumasamba sa Diyos diyosan. Iisa rin lamang ang Diyos na sinasamba namin at iyon ay walang iba kundi ang ating AMA na nasa langit. Sa five years na pagkakawalay namin mag-asawa ay halos nakalimot ako sa ating Diyos pero totoong napakabait nya at heto binigyan niya ako ng isang napakagandang pagpapala ang makasama ko muli ang aking asawa at dito pa sa Canada. Kaya kung tutuusin, malaki pa ang naging pagkukulang ko sa aking kasalukuyang paniniwala sa Kaliko esp. sa pamamagitan ni Mama Mary. Kaya evertime na may humihimok sa akin na sumali o lumipat ng religion ay sinasabi ko na lamang na "iisa lamang ang ating relihiyon at hindi na kailangan pa lumipat dahil hindi kailangan na aalis kay Kristo at lilipat sa isang Kristo sapagkat iisa lamang ang Kristo.
|
|
|
Post by lolomael on Jan 28, 2008 5:38:33 GMT 10
Kung tutuusin sa buong mundo ay iilan lamang tayo na Kristiyano, nakakalungkot man isipin ay kakaunti lamang tayo ay nagkakalaban laban pa dahil sa iba iba ang paniniwala. And speaking of PANINIWALA ay ganyan tayong mga Pilipino, masyadong apektado o deboto sa kanyang pinaniniwalaang sekta pero kung tutuusin ay pareho naman Kristiyano na matatawag.
Gaya ng sabi ko iisa lamang ang relihiyon walang iba kundi si Kristo Hesus, na kadalasan kahit tapos na ang kanyang paghihirap, pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus para tayo sagipin sa ating mga kasalanan ay ganoon pa rin ang ginagawa natin sa kanya, palagi natin siya pinahihirapan at ipinapako sa krus, mas worse pa ngayon dahil gusto natin paghiwalay hiwalayin natin siya. Iyon ang problema sa atin sa aking palagay, may nagsasabi na mas magaling ang Kristo ko o Kristo nila, may nagdadahilan na kaya siya umalis sa dating pinaniniwalaan niyang sekta ay dahil sa mas maganda itong natagpuan nya sa kasalukuyan. Iisa lamang ang Kristo, ano man ang ating pananampalataya o kinabibilangang sekta ay isusulit natin iyan sa takdang panahon.
itutuloy...
|
|
|
Post by lolomael on Jan 28, 2008 6:07:42 GMT 10
karugtong... May nagsasabing, hindi na kailangan pa magsimba o sumamba dahil direkta na nakikipag-ugnayan sa DIYOS at ang laging pinagbabatayan ay ang banal na kasulatan, pasintabi lamang po at wala naman ako balak saktan o husgahan ang ganoon kundi gusto ko lamang ipabatid na ang maging Kristiyano ay nagmumula sa puso at hindi sa pag-iisip na kung ano ang nabasa at napag-aralan natin sa Banal na kasulatan. Alam natin ang sampung utos ng DIYOS na nakasaad sa Biblia pero 100% hindi naman natin iyon nasusunod, yung na nga lamang na sinabi ni Hesus sa kung alin ang pinakamahalagang utos sa sampu ay nagkakawindang windang na tayo. Sa madaling sabi ay MAHALIN at IGALANG na lamang natin ang isa't isa para walang away o gulo (parang mahirap pa rin sundin... )
|
|
|
Post by leanne. on Jan 28, 2008 21:43:54 GMT 10
Korek ka dyan lolomael Halimbawa na nga na ganyan may pagtatalo sana matutong igalang at sabihin sa magandang paraan ang nasa kalooban di po ba? Walang pilitan, walang takutan, walang insultuhan at bangayan tutal Diyos naman ang huhusga.
|
|
|
Post by lolomael on Jan 29, 2008 20:17:17 GMT 10
Korek ka dyan lolomael Halimbawa na nga na ganyan may pagtatalo sana matutong igalang at sabihin sa magandang paraan ang nasa kalooban di po ba? Walang pilitan, walang takutan, walang insultuhan at bangayan tutal Diyos naman ang huhusga. Hayyy naku sinabi mo pa... dito nga eh marami ang fanatic (yun lang ang tawag ko), kesyo bakit daw binibinyagan sa Katoliko ang bata na wala pa alam dapat daw ay yung may kaalaman na tulad ni Kristo na malaki na ng binyagan ni John the Baptist. Ang naging sagot ko na lamang ay hindi talaga pwede binyagan si Hesus noong baby pa dahil yung magbibinyag sa kanya ay beybi pa rin dahil halos ilang buwan lang naman ang pagitan ni Hesukristo at San Juan.
|
|
|
Post by leanne. on Feb 5, 2008 4:23:22 GMT 10
Hayyy naku sinabi mo pa... dito nga eh marami ang fanatic (yun lang ang tawag ko), kesyo bakit daw binibinyagan sa Katoliko ang bata na wala pa alam dapat daw ay yung may kaalaman na tulad ni Kristo na malaki na ng binyagan ni John the Baptist. Ang naging sagot ko na lamang ay hindi talaga pwede binyagan si Hesus noong baby pa dahil yung magbibinyag sa kanya ay beybi pa rin dahil halos ilang buwan lang naman ang pagitan ni Hesukristo at San Juan. Teka mukhang dalawa lang tayong nag uusap lolomael Ha? Yung sanang magbibinyag kay Hesus nung baby pa siya e baby pa rin?
|
|
|
Post by lolomael on Feb 5, 2008 14:30:12 GMT 10
Hayyy naku sinabi mo pa... dito nga eh marami ang fanatic (yun lang ang tawag ko), kesyo bakit daw binibinyagan sa Katoliko ang bata na wala pa alam dapat daw ay yung may kaalaman na tulad ni Kristo na malaki na ng binyagan ni John the Baptist. Ang naging sagot ko na lamang ay hindi talaga pwede binyagan si Hesus noong baby pa dahil yung magbibinyag sa kanya ay beybi pa rin dahil halos ilang buwan lang naman ang pagitan ni Hesukristo at San Juan. Teka mukhang dalawa lang tayong nag uusap lolomael Ha? Yung sanang magbibinyag kay Hesus nung baby pa siya e baby pa rin? Yesh! Kasi if you remember o read the bible ( Luke 1:39-80), the day that Virgin Mary visited her cousin Elizabeth and the birth of John the Baptist. Buntis sila pareho noon at ang anak ni Elizabeth ay si Saint John the Baptist.
|
|
migy
Moderator
moderator in his designated rooms
Posts: 2,544
|
Post by migy on Feb 16, 2008 1:31:47 GMT 10
lolomael, tuloy ang posting, mukhang magandang mag basa dito leanne musta na///
|
|
|
Post by Always on May 24, 2008 16:16:28 GMT 10
I like this reading between Lolomael & Leanne
|
|
|
Post by leanne. on Jul 28, 2008 13:10:02 GMT 10
Busy to the max na si lolomael kaya wala na akong ka chikahan dito sa topic na to at busy na lahat kahit si pika busy daw dun sa bf
|
|
|
Post by Always on Aug 7, 2008 10:54:47 GMT 10
Mahirap talaga ang maging Kristyano dahil ito ang isa sa mga sakripisyo at pagsubok sa pagpapanatili ng paniniwala.
|
|
migy
Moderator
moderator in his designated rooms
Posts: 2,544
|
Post by migy on Aug 14, 2008 16:57:12 GMT 10
absolutely parekoy!
parang pede ng magkaroon ng P7 Assembly ah, Year 2010 - Venue Puerto Princesa City...
|
|