|
Post by rafael on Oct 17, 2006 3:57:38 GMT 10
One of the things that makes men (and angels) morally perfect is freedom. We have a real choice about what we do. Men create their own destiny. God made us that way so that we could love freely (forced love is not love at all, is it?). But in making us that way, He allowed for the possibility of evil. To be free we had to have not only the opportunity to choose good, but also the ability to choose evil. That was the risk God knowingly took, but it does not make him responsible for evil. Imperfection of men came through the abuse of our moral perfection as free creatures.
Putting it again in this scenario, the same answer replies to the snake God made Satan the most beautiful of all creatures with the perfection of free will. Satan rebelled agaisnt God, and that became the first sin and the pattern for all sin that followed. You may ask, "What made Satan sin?" Tha is like asking what caused the first cause; nothing outside his own free will caused him to sin. He was the first cause of his sin and you can not go back any farther than that. When we sin, ultimately we (by our wills) are the cause of the evil we do in this world.
Why hasn't God done anything about evil? First, evil can not be destroyed - yes, it cannot be destroyed without destroying freedom. As I said before, free beings are the cause of evil, and freedom was given to us so that we could love. Love is the greates good for all free creatures as in reference with the book of Matthew 22:36-37, but love is impossible without freedom. So, if freedom were destroyed which is the only way to end evil, that would be evil in itself, because it would deprive free creatures of their greatest good. Hence, to destroy evil would actually be evil. If evil is to be overcome, we need to talk about it BEING DEFEATED, NOT DESTROYED
I have to study this further, easier said than taken. Man tends to be subjective.
|
|
|
Post by delta on Oct 17, 2006 15:47:58 GMT 10
korek, pero ang sinasabi kong mga taong may anak na ganito ay walang mali, pareho pa silang born again.Hindi ba nakakalungkot ito? Bakit pinapayagan ng Diyos na ang mabubuting tao ay maghirap at ang masasama ang masarap ang buhay at ayos ang mga anak.
Kasi kagustuhan nila iyon Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan at tayo naman mga tao ang umaakto nitong kalayan na ibinigay sa atin. Tayo pa din mga tao ang pumipili kung ano ang tama at ano ang mali. Maninisi ka ba sa Diyos kung titira ka sa Smokey Mountain kung alam mo na ito ay guguho mala'on. Tungkol sa mga kakilala mo ay maaring hindi nila alam ang ginagawa nilang pag-inom ng mga gamot na maaring nakaapekto sa kanyang anak pero hindi natin maalis na sila pa din ang may gawa kung baket nagkaganun ang kanilang baby. Gayan din si Eba noon na alam niyang masama ang kumain ng prutas pero kinain pa din niya pero sino ang sinisi Ganyang magaling ang tao, kapag may isang bagay na hindi maganda eh meron agad isang bagay na sinisisi ,maging ito man ay tao o hindi That is one example lang, ma po post ko lang yung mga nakikita ko, kung pwede paki sagot lang ito. Isang mayamang mayaman may ari ng isang club, sugal ng sugal at wala siyang sakit, ok lang ang kanyang buhay, yun namang mga taong nagpapakabait at relihiyoso yun ang may mga sakit at may canser pa.
Minsan nakakatampo yun sa Diyos. Why God allow this to happen? Kaya yung iba ayaw nang mag simba.
|
|
|
Post by Always on Oct 17, 2006 17:39:30 GMT 10
Mababasa mo sa Bibliya na hindi lahat ng relihiyoso ay mayayaman. Karamihan sa kanila ay naghirap at ang pinakamagandang halimbawa ay ang buhay ni Job. Nawalan na siya ng lahat lahat pero hindi pa din nagbago ang pananampalataya niya sa Diyos. Pero baket? Ang isa pang magandang ehemplo na napanood ko sa TFC ay ang anak ni Sen. Jinggoy Estrada na nagkasaket ng Dengue pero ito ay nakaligtas samantalang ang ibang mga mahihirap na mga magulang na nagkasaket din ang kanilang mga anak ay hindi nakaligtas sasaket at nagsimatay ang mga ito. Ngayon, namimili kaya ang Diyos? Dapat mong malaman na ang Diyos ay hindi namimili at higit sa lahat ay hindi siya pwedeng makialam sa takbo ng ating buhay dahil sa kalayan na ibinigay sa atin. Pero dapat din natin isipin ang Diyos ang tanging gabay sa ating buhay sa pamamagitan ng mga aral na galing sa kanya. Alam mo ba na noon panahon ni Noah ang kanyang pamilya ay naghihirap din samantala ang iba ay nagpapakasarap sa kamunduhan.
Dahil sa kalayaan na ibinigay sa atin ay tayo mismo ang pumipili kung ano ang tama at ano ang mali. Napanood ko noon sa ti-bi ang tungkol sa mga bata sa smokey mountain; karamihan sa kanila ay may mga saket bago sila natabunan ng basura. Sa palagay mo kaya ay Diyos ang may gawa noon? Tao ang may kasalanan at karamihan ng mga magulang ay galing pa sa iba-ibang probinsiya. Nag-squatter sila sa lugar na ito na alam nila na balang araw ay guguho na maari nilang ikamatay. HIndi ba karamihan ngayon sa pag0iisip ng mga tao ay maghipon bago man sila ay mag-asawa? Dahil ayaw nilang magkaroon ng anak kung hindi din lang naman nila kayang buhayin. Disiplina ang isa din nating kailangan. Dahil paano na nga kung magkasaket at wala silang ipon? Hindi nila ito kayang maipagamot at ang katiyakan ng kamatayan ay hindi nalalayo.
Baket sa ibang bansa ay hindi nangyayari ito? Diyos din kaya ang maysala? Baket sa Estados Unidos ay hindi ito nangyayari samantalag nakaroon din sila ng ganitong sitwasyon noon? Dahil ang gobyerno ng Pilipinas ay walang sapat na pondo para sa mga ospital at klinikang pampubliko. Karamihan ay kulang ang mga pasilidad, minsay wala pang ang mga nararapat na gamot kaya ang epidemya tulad ng degue ay hindi kaagad naaagapan. Kaya, sino ngayon ang may kasalana - Diyos ba o tao?
Tama ka minsan ang tao ay nagtatampo sa Diyos pero hindi natin maiaalis ito dahil tayo ay tao lamang ngunit kung ang puso at pag-iisip ay masusuri lamang sa mga katayuhang naganap ay makikita nila na mas higit ang pangangailangan sa Diyos keysa sa iyong sarili lamang. Tingnan mo see Job, nagtampo din siya noon [/b][/size]
|
|
|
Post by delta on Oct 18, 2006 13:10:23 GMT 10
always
Paano maipapaliwanag ang mga pinanganak na may kapansanan, may alam ako na nag ingat naman ang magulang pero inilabas din na abnormal ang anak. Bakit may mahirap at bobo, samantalang yung iba, maganda na, matalino at mayaman pa nasa kanila na ang lahat. Mukhang hindi talaga parehas?
So ok lang magtampo sa Diyos?
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 19, 2006 1:24:29 GMT 10
Why does God allow evil?
Actually I can relate to it in some ways why does God allow sickness happen to Godly people?
As some of you may know, I have been finding a home Church in Singapore. I am now member of a Care Cell (others call it a Cell Group) of a local church. I have been attending weekly meetings for a month now. A pregnant couple (meaning the wife is pregnant) became my spiritual parents in this group. The wife would be gving birth next month.
Part of their request is for them to become God's instrument for a person/people to be converted at the first contact. Kahit daw kasi matagal na silang nasa ministry they have never witnessed someone being converted overnight. And their request from God is to be able to witness a person being converted overnight. Ang naiisip ko is they want to reap a harvest which other people could have planted for years. They have been planting for years and they have never witnessed the harvesting.
I prayed for them for sometime. I asked the Lord to make them available to minister to other people, continue to bless them and strengthen the husband in leading his family and the community.
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 19, 2006 1:25:01 GMT 10
They asked for spiritual gifts and they were given a crisis to endure. May foot and mouth disease sila ngayon. We are all praying that the unborn baby will not be affected by the mother's disease. The husband's mouth and foot ulcers are very bad, that they have decided to isolate themselves and lock themselves inside their houses. Some of their closest friends bring them food to eat.
I was thinking if they are isolated at home, how can they be available to minister? IF they are undergoing crisis themselves, how can they be God's harvesters?
Walang sagot. And this is how we are all asked to keep the faith even if we cannot understand.
Why does God allow evil? It is because through the sufferings brought by evil working in our world, God sees our tenacity, our unwavering faith.
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 19, 2006 1:27:02 GMT 10
If you are having it all..material wealth, prestige, etc...you will always be preoccupied with keeping your wealth and your reputation. But when you are down and out...you have no one to spend time with...and that is the time when you begin to commune with God. Sometimes it happens in ways we could never understand. Kung hindi tayo ang hihinto sa pagikot at pagtakbo ng walang direksyon. Sya na mismo ang gagawa ng paraan para tayo huminto at makinig sa Kanya. At hindi sa samut saring mensage ng media, ng mga kaibigan, ng boss natin or even ng kapamilya.
AT hindi lang yan. Whenever someone says," I will arise and build. I will fight the evil ways of Satan", Satan always replies,"Then I will arise and oppose".
You can always count on it. Sickness, losing our jobs, losing someone in death or break up of a relationship demoralizes us. And this is what Satan is waiting for, our lowest points, when our defenses are low, satan begins to attack. And what does God do with it. God allows it for it is good for us to have opposition.
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 19, 2006 1:27:37 GMT 10
Why would a merciful God allow opposition?
Imaginin mo...if you are part of a varsity team..and your team made it through the semis and you are playing for GOLD. It will be a difficult game, and let us worsen the situation a bit. You are playing in an open court. Walang bubong at umuulan. Regardless of which team wins, the game would be meaningless if the teams did not have someone to oppose them. ANy member of either team could grab a ball and shoot it in the basket if there is nobody there to block the shot. It is the opposition that makes the players strategise, pass the ball to best player, shoot the ball, make a rebound and lay the ball up again then shoot it in the basket.
That is what God is after in our lives. It is the opposition that makes us strong. If we did not have any difficulty we would be mioral cream puffs, unable to function in the kingdom of God. So in his wisdom and grace God allows opposition to rise.
|
|
|
Post by Always on Oct 19, 2006 1:43:08 GMT 10
"Paano maipapaliwanag ang mga pinanganak na may kapansanan, may alam ako na nag ingat naman ang magulang pero inilabas din na abnormal ang anak."
Hindi pa din mawawala na may naganap sa kanunununuan at kabuhayan nila na maaring mangyari din ito. Paano na kaya kung ang mag-asawa na parehong aetas ay nagkaanak ng isang puti--matatawag mo ba ang bata ay isang abnormal?
|
|
|
Post by Always on Oct 19, 2006 1:51:50 GMT 10
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 19, 2006 4:09:23 GMT 10
i hope my posts answer some of your questions rivers.
what am trying to say rivers is..yung pagkakasakit ng anak nung born again christians na kakilala mo can be cause either by
- some mistakes they have done in the past..and this is an indirect consequence (as posted by always) - or it could be an opposition..a work of Satan.
and God allows this opposition.
So yung pagkakasakit ng kanilang anak, might be an opposition launched by Satan to keep them from being available to minister to other people. IT could be an attack of Satan on this couple's faith..para di na sila magkaron ng chance mag-plant ng seeds at mag-harvest ng fruits.
Katulad ng example ni always, si Job..he is a very righteous man...but Satan inflicted sufferings to Him to taunt God.
Sabi ni Satan...kapag naghirap ang tao na ito, iwan ng kanyang asawa at anak at magkasakit....iiwanan ka nya. di na sya maniniwala Sayo as God.
that is what Satan could be doing to this couple/
|
|
|
Post by delta on Oct 20, 2006 15:57:54 GMT 10
i hope my posts answer some of your questions rivers. what am trying to say rivers is..yung pagkakasakit ng anak nung born again christians na kakilala mo can be cause either by - some mistakes they have done in the past..and this is an indirect consequence (as posted by always) - or it could be an opposition..a work of Satan. and God allows this opposition. So yung pagkakasakit ng kanilang anak, might be an opposition launched by Satan to keep them from being available to minister to other people. IT could be an attack of Satan on this couple's faith..para di na sila magkaron ng chance mag-plant ng seeds at mag-harvest ng fruits. Katulad ng example ni always, si Job..he is a very righteous man...but Satan inflicted sufferings to Him to taunt God. Sabi ni Satan...kapag naghirap ang tao na ito, iwan ng kanyang asawa at anak at magkasakit....iiwanan ka nya. di na sya maniniwala Sayo as God. that is what Satan could be doing to this couple/
ruth/always 2 ang rason na nabasa ko, indirect conseqence (always) o di kaya opposition, a work of satan.
Meron pa bang iba?, dahil marami at nagkalat ang gawain ni satan ang kasamaan, sa dami noon paano pa makaka recover ang isang gustong maniwala, bago pa siya makabangon durog durog na.Masdan ninyo ang nangyayari ngayon, bago pa lang makilala ang Diyos, nawasak na ng husto minsan kinamatyan na. Kaya tuloy ang tanong, concerned pa ba ang Diyos? Parang hindi.
Gaya ng mga prostitute, nalunod na dahil marami ang mahirap at walang alam na trabaho. Yung mga adik, yung mga bakla at tomboy, yung mga kriminal lalo silang lumala.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napapayagan mangyari ito ng Diyos. Tayo ba ang gumagawa ng kapalaran natin o biktima tayo ng panahon?
nagtatanong rivers
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 22, 2006 0:28:35 GMT 10
ruth/always 2 ang rason na nabasa ko, indirect conseqence (always) o di kaya opposition, a work of satan.
Meron pa bang iba?,
there could be. and am glad you asked. aaralin ko yan
dahil marami at nagkalat ang gawain ni satan ang kasamaan, sa dami noon paano pa makaka recover ang isang gustong maniwala, bago pa siya makabangon durog durog na. Christ did not come to live on earth for the RIGHTEOUS. He came for the sinners. Nagkatawang tao sya para iligtas anga mga taong di makabangon at durog durog na. Pero kelangan may gawin ang tao upang sya ay mabuo muli sa pagkadurog. At yun ay abutin ang kamay ni Kristo na nagoofer ng kaligtasan.
Kung ikaw ay nalulunod, at may taong gustong sumagip sayo at naghagis ng lubig o salbabida...at di mo yun sinalo...maliligtas ka kaya sa pagkalunod?
Masdan ninyo ang nangyayari ngayon, bago pa lang makilala ang Diyos, nawasak na ng husto minsan kinamatyan na. Kaya tuloy ang tanong, concerned pa ba ang Diyos? Parang hindi. rivers, am really glad you are very concerned about people and not just yourself. Kung babasahin mo po ang Old Testament, ang kasamaan ay nandoon na noon pa. Prostitution (Remember Sodom and Gomorrah)...and a lot of God's people like Nehemiah are equally frustrated as you are when he saw all this evilness and corruption among men. Wala namang nabago. Ang kasaysayan ng tao ay paulit ulit lamang. Ang masasabi ko lang, habang tayo ay nasa lupa, ang evil at si Satan ay hindi mawawala. Pero may pangako ang Dyos na pupuksain nya rin ang mga ito once and for all. At iyon ay darating sa panahong di natin mamalayan. But He will give warnings and signs. na ang panahong ito ay padating na. ( I dont want to scare you and I dont want to sound like a Bible thumping id). But my concern for you and all others is so strong that I have to go beyond my own comfort level to say what I have to say.
Pero ang pangako ni Cristo na kailanman ay di na tayo lilipulin ng baha ng pestilence kahit na tayo ay makasalanan ay hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon.
Gaya ng mga prostitute, nalunod na dahil marami ang mahirap at walang alam na trabaho. Yung mga adik, yung mga bakla at tomboy, yung mga kriminal lalo silang lumala. As I said, just like Nehemiah I share your frustration. And if I were you, I would do as what Nehemiah did at that time, in his anger and frustration with the present corruption and delusion among his people, he retreated to a quite place and medidated on God's words. But he did not escape from his problems. He confronted the conflicts with authority because he knew he heard guidance from a higher power, a power which is stronger than his own. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napapayagan mangyari ito ng Diyos. Your ways are not my ways says the Lord. May mga bagay na hindi pa pinapaunawa sa atin ng Panginoon dahil di pa tama ang panahon. Pero with simple logic, there are explanations to every situation we are in right now. If we will just be honest enough, para suriin kung bakit nangyayari sa atin ang mga bagay bagay. We always have a choice. Even a prostitute, may choice sya to do other sources of living like being a maid o kaya naman tindera sa palengke. But most often we take the easier way. Di bale na macorrupt ang katawan at moralidad.
Tayo ba ang gumagawa ng kapalaran natin o biktima tayo ng panahon?
I like your questions. bukas naman uli hehehe. basa ka muna. nagtatanong rivers
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 22, 2006 0:39:02 GMT 10
dahil marami at nagkalat ang gawain ni satan ang kasamaan, sa dami noon paano pa makaka recover ang isang gustong maniwala, bago pa siya makabangon durog durog na.
just want to give this question another thought. Rivers, ang isang sinner na talagang GUSTONG maniwala...ay makakarecover sa droga, prostitution man o extra marital affair.
I can attest to that. Kapag sumuko na tayo sa Dyos at sinabing Ive done all my best Lord...I am convicted by sin..now please help me. All we have to do is STOP SINNING! whatever sin that convicts us from taking a leap of faith. JUST STOP IT!
and He will equip you with the necessary armor to keep you away from it. yan lang muna po ang masasabi ko sayo ngayn.
Marami pong paraan ...to stop addiction, pwedeng rehabilitation, pwedeng SUICIDE hehe ! (joke lang!)...but if there is no Spiritual Warfare its going to be a losing battle.
I can tell you more about this if we have a chance to talk in person.
|
|
|
Post by delta on Oct 27, 2006 17:49:06 GMT 10
there could be. and am glad you asked. aaralin ko yan
dahil marami at nagkalat ang gawain ni satan ang kasamaan, sa dami noon paano pa makaka recover ang isang gustong maniwala, bago pa siya makabangon durog durog na. Christ did not come to live on earth for the RIGHTEOUS. He came for the sinners. Nagkatawang tao sya para iligtas anga mga taong di makabangon at durog durog na. Pero kelangan may gawin ang tao upang sya ay mabuo muli sa pagkadurog. At yun ay abutin ang kamay ni Kristo na nagoofer ng kaligtasan.
Kung ikaw ay nalulunod, at may taong gustong sumagip sayo at naghagis ng lubig o salbabida...at di mo yun sinalo...maliligtas ka kaya sa pagkalunod?
ruth
Pero kokonti ang mga taong gaya ng sinabi mo
rivers, am really glad you are very concerned about people and not just yourself. Kung babasahin mo po ang Old Testament, ang kasamaan ay nandoon na noon pa. Prostitution (Remember Sodom and Gomorrah)...and a lot of God's people like Nehemiah are equally frustrated as you are when he saw all this evilness and corruption among men. Wala namang nabago. Ang kasaysayan ng tao ay paulit ulit lamang. Ang masasabi ko lang, habang tayo ay nasa lupa, ang evil at si Satan ay hindi mawawala. Pero may pangako ang Dyos na pupuksain nya rin ang mga ito once and for all. At iyon ay darating sa panahong di natin mamalayan. But He will give warnings and signs. na ang panahong ito ay padating na. ( I dont want to scare you and I dont want to sound like a Bible thumping id). But my concern for you and all others is so strong that I have to go beyond my own comfort level to say what I have to say.
Pero ang pangako ni Cristo na kailanman ay di na tayo lilipulin ng baha ng pestilence kahit na tayo ay makasalanan ay hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon.
As I said, just like Nehemiah I share your frustration. And if I were you, I would do as what Nehemiah did at that time, in his anger and frustration with the present corruption and delusion among his people, he retreated to a quite place and medidated on God's words. But he did not escape from his problems. He confronted the conflicts with authority because he knew he heard guidance from a higher power, a power which is stronger than his own.
Your ways are not my ways says the Lord. May mga bagay na hindi pa pinapaunawa sa atin ng Panginoon dahil di pa tama ang panahon. Pero with simple logic, there are explanations to every situation we are in right now. If we will just be honest enough, para suriin kung bakit nangyayari sa atin ang mga bagay bagay. We always have a choice. Even a prostitute, may choice sya to do other sources of living like being a maid o kaya naman tindera sa palengke. But most often we take the easier way. Di bale na macorrupt ang katawan at moralidad.
Tayo ba ang gumagawa ng kapalaran natin o biktima tayo ng panahon?
I like your questions. bukas naman uli hehehe. basa ka muna. nagtatanong rivers
pero may bobo, mahirap at pangit na pinanganak, yan din ang iniisip ko, kung sila ba ay biktima lang ng pangyayari dahil hindi nila ito ginusto.
salamat sa tyaga ng pagsagot ruth.
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 28, 2006 12:43:05 GMT 10
pero may bobo, mahirap at pangit na pinanganak, yan din ang iniisip ko, kung sila ba ay biktima lang ng pangyayari dahil hindi nila ito ginusto.
salamat sa tyaga ng pagsagot ruth.
salamat din sa tyaga mo sa pagtatanong without being presumptous or critical.
Ang sabi ni King Solomon sa Book of Ecclesiastes?
Ano nga ba mas ok? Maging WISE o maging FOOL?
hindi ko na maalala saktong verse (always,linsi,migy HELP!)
pero ang sinasabi nya..mahirap din masyado matalino,kasi isip ka ng isip..u always try to apply logic..even on spiritual things..!
kapag FOOL ka naman..you do not know what is right or wrong..how can you know if you are sinning or NOT!
so in short, do not be dependent on YOUR OWN WISDOM! Trust GOD's WISDOM not YOURS!
Kung meron kang di maintindihan, ask for wisdom, read the Bible, ask questions, talk to people.
Kung tutuusin mas ok pa yung mga taong alam nila na BOBO sila, dahil they do not hesitate to ask, and are willing to learn.
kesa sa mga taong, akala nila ay WISE sila...ayaw na magtanong...and they have a close mind.
Sabi rin ni King David sa Psalms,
Do not make me TOO RICH or TOO POOR, Lord!
Kasi pag too rich, makakalimutan na kita. If I am too poor, I maybe inclined to STEAL and DESTROY dahil sa gutom,.
In short, mayaman ka man o mahirap..we must ask for God's will in our LIFE. kapag mahirap ka, humingi ka ng kahit konti man lang ginhawa..para di ka na magnakaw o manira ng kapwa o sariling moralidad.
kung mayaman ka,,wag mo kalimutan and Dyos at ang kapwa. always pray to God, to give you the heart to serve, kung kaya mo rin lang naman.
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 28, 2006 12:46:50 GMT 10
as for pangit or maganda..no comment ako jan.
kasi di ko pa naranasan maging pangit. JOKE! hehehhe!
what I mean is beauty is in the eyes of the beholder...
for example, mga pinoy gusto nila mapuputi na babae..para sa kanila pag maputi maganda.
mga amerikano naman, gusto nila morenang babae, para sa kanila maganda ang mga morena...nagpapaTAN pa nga sila di ba?
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 28, 2006 12:55:37 GMT 10
ruth
Pero kokonti ang mga taong gaya ng sinabi mo
rivers
thats true!
let us take for example..you are to take a journey today, along with 100,000 people.
at merong 2 daan papunta sa paroroonan nyo. pero sa dulo ng 2 daan na yun...merong napakaliit na gate..na kakaunti lang ang pwede magkasya.
2 yung daan na pagpipillian nyo di ba?
the wide highway
or napakakitid na eskinita.
sa wide highway..you can bring all ur friends, ur cars, all your belongings with you. of course mas maraming tao ang pipili sa highway di ba?
pero sa eskinita, hindi pwede, kelangan maglakad ka lang at may dala ka lang isang back pack.mangilang ngilan lang ang papasok sa eskinita. one at a time lang. tapos alay lakad pa.
pagdating sa dulo ng 2 daan na ito, ay yung napakakitid na gate.
kung dumaan ka sa wide highway, dala dala mo lahat ng baggages mo, what will you do?
kung dumaan ka sa eskinita, at konti lang dala mo, what will you do?
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 28, 2006 12:59:39 GMT 10
pagdating sa dulo, yung mga dumaan sa highway at sa eskinita, will face the same choice hindi ba?
you have to leave everything you have behind!
sa tingin mo, it wud be easier for the poor fellow to get into heaven than his rich counterpart?
what if, yung rich, willing igiveup lahat, yung poor ayaw kasi yun na lang nga natitira sa kanya e..give up nya pa?
what I am trying to say is..RIGHTEOUS and SINNERS alike willl face the same choice.
you can never tell who can make it to heaven, because our choice is made individually, it does not matter if u are rich or poor,wise or fool, ugly or handsome.
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 28, 2006 13:00:04 GMT 10
tama ka..kakaunti lang ang makakapasok sa narrow gate.
|
|
ruth
Moderator
moderator in her designated rooms
Posts: 903
|
Post by ruth on Oct 28, 2006 13:03:47 GMT 10
ITS ALL ABOUT CHOICES! FREEDOM to CHOOSE at each stage in our LIVES.
that is why God allow Evil....para may CHOICES tayo! di parang programmable robot!
|
|
|
Post by Always on Nov 11, 2006 23:31:35 GMT 10
Gaya ng mga prostitute, nalunod na dahil marami ang mahirap at walang alam na trabaho. Yung mga adik, yung mga bakla at tomboy, yung mga kriminal lalo silang lumala.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napapayagan mangyari ito ng Diyos. Tayo ba ang gumagawa ng kapalaran natin o biktima tayo ng panahon?
Madali pa din ang sagot diyan dahil tao pa din ang kagagawan ng lahat at hindi ang Diyos Baket dumadami ang mga adik o kriminal? Baket dumadami ang naghihirap tulad ng sabi mosa itaas? Dahil tao pa din ang mga kagagawan niyan at hindi Diyos Karamihan sa atin ay nag-aanak kahit alam nilang hindi nila kayang tustusan ang paglaki ng mga bata kaya karamihan sila ay nagiging palaboy. At ano sa palagay mo ang natutuhan nila kapag ang mga ito ay hindi nakapasok sa pag-aaral--nagiging adik sila, kriminal ng lipunan at kapag mga babae naman eh nagiging GRO dahil nga sa hindi ito nakapag-aral at ang mga mamamosang at mga thunder ay gagamitin lang sila sa pamamagitan ng kanilang mga matatamis na labi. At ito ay nagagawa nila sa kalayaan na ibinigay ng Diyos sa kanila.
Hinid ko sinasabi na masama ang mga GRO pero masama lang ang kanilang mga ginagawa kaya karamihan sa kanila ay nagsisimba pa para humingi ng tulong sa Diyos. Palagay mo baket mahirap ang buhay sa Pilpinas, ito ba ay dahil sa Diyos odahil sa mga taong hindi malinis and adhikain sa mga Pilipno
|
|
|
Post by delta on Nov 13, 2006 17:51:16 GMT 10
Naniniwala pa rin ako na minsan biktima ka ng pangyayari, dahil hindi mo sinsadya na ipanganak sa isang mahirap na pamilya.
Pwede kang magsikap pero biktima ka pa rin dahil pakana nang mga mayayaman ang sistema.
|
|
|
Post by delta on Nov 13, 2006 17:55:57 GMT 10
Ang tao ay hindi ipinanganak na pantay sa talino at ganda, kaya marami ay nabibiktima ng kahirapan at maling sistema. marami ang ayaw na maghirap pero nandun parin sa kahirapan.
Walang chance ang mga bobo at mahirap kung meron man kakaunti lang at ang mga ipinanganak sa mga magulang na ganito ay hindi pumili ng kanilang kapalaran o kalagayan.
Paano ninyo ito maipapaliwanag.
|
|
|
Post by delta on Nov 13, 2006 17:57:17 GMT 10
ITS ALL ABOUT CHOICES! FREEDOM to CHOOSE at each stage in our LIVES. that is why God allow Evil....para may CHOICES tayo! di parang programmable robot!
Madalas sa mga taong mahihirap wala silang choice kundi kumapit sa patalim.
|
|
|
Post by fruthie on Nov 14, 2006 1:03:00 GMT 10
we all have choice rivers maniwala ka sa akin..i am born of a family..na poorest of the poor..it even came to a point na nagtinda ng basahan sa kalsada ang tatay ko para lang me makain kami sa pasko.
wala kaming ibang choice at that time but to survive on tuyo ..kahit na paskong pasko.
naiyak pa tatay ko nung me nagaabot sa kanya ng Christmas package..yung nagabot ay isang pamilya nakasaya sa Jeep.
Christmas package na ito consists of keso de bola, mga delata pang salad. cake.tinapay..biglang meron kami pagsasaluhan sa bisperas ng Pasko.
Kung pinili ng tatay ko na magmukmok sa bahay imbes na magtinda ng basahan at kumita ng 15 pesos isang araw....ano kaya mangyayari?
|
|
|
Post by tinkerbelle on Nov 14, 2006 2:56:26 GMT 10
why does God allow evil...
Hindi ako masyado maalam sa Bible eh...but from what I read..from the book of Genesis...it all started sa garden of eden...nagkasala si Eve kasi nagpatukso sya kay Satan...at naiwala nila yung pagiging sakdal nila ni Adan...
I guess...yung evil...na para sa akin ay paghihirap, kasamaan..kabuktutan sa mundo...ay kanyang pinahihintulutan...hindi bilang isang pagsubok...sa kanyang nilalang kundi isang..hamon mismo kay Satan....na hindi nya kayang ilayo sa Diyos kung ano ang nilikha nya...na ang tao...patuloy mang pahirapan at tuksuhin ng Diyablo...ay mananatiling tapat sa Diyos...
|
|
|
Post by Always on Nov 14, 2006 9:51:37 GMT 10
Naniniwala pa rin ako na minsan biktima ka ng pangyayari, dahil hindi mo sinsadya na ipanganak sa isang mahirap na pamilya.
Pwede kang magsikap pero biktima ka pa rin dahil pakana nang mga mayayaman ang sistema.
Kaya nga tao ang may gawa at hindi ang Diyos
|
|
|
Post by Always on Nov 14, 2006 9:54:25 GMT 10
Ang tao ay hindi ipinanganak na pantay sa talino at ganda, kaya marami ay nabibiktima ng kahirapan at maling sistema. marami ang ayaw na maghirap pero nandun parin sa kahirapan.
Walang chance ang mga bobo at mahirap kung meron man kakaunti lang at ang mga ipinanganak sa mga magulang na ganito ay hindi pumili ng kanilang kapalaran o kalagayan.
Paano ninyo ito maipapaliwanag.
Naniniwala kaba sa desiderata? Basahin mo siya ng husto at pag-usapan nating pagkatapos nakz parang homeboy
|
|
|
Post by peng on Nov 16, 2006 13:22:22 GMT 10
we all have choice rivers maniwala ka sa akin..i am born of a family..na poorest of the poor..it even came to a point na nagtinda ng basahan sa kalsada ang tatay ko para lang me makain kami sa pasko. wala kaming ibang choice at that time but to survive on tuyo ..kahit na paskong pasko. naiyak pa tatay ko nung me nagaabot sa kanya ng Christmas package..yung nagabot ay isang pamilya nakasaya sa Jeep. Christmas package na ito consists of keso de bola, mga delata pang salad. cake.tinapay..biglang meron kami pagsasaluhan sa bisperas ng Pasko. Kung pinili ng tatay ko na magmukmok sa bahay imbes na magtinda ng basahan at kumita ng 15 pesos isang araw....ano kaya mangyayari? Nakakaiyak naman ang kwento mo fruthie, bigla akong nalungkot. Pero ang alam ko, tao na rin ang gumagawa ng kasamaan at tayo ay biktima ng kapwa tao natin dahil minsan wala talagang choice ang isang tao dahil sa kapwa tao na rin.
|
|